Saturday , November 23 2024
INILIPAT ni Teody Bacon at ibang residente ng Sitio Kinse ang kanilang mga gamit sa bagong gawang bahay sa Barangay Bambang sa Bulakan noong Sabado, 31 Oktubre, bago pa man tamaan ng bagyong Rolly ang ilang probinsiya sa Luzon. Ang Barangay Taliptip ay pagtatayuan ng San Miguel Corporation ng Manila International Airport.

Residente sa Sitio Kinse, nakasumpong ng bagong tahanan

BULAKAN, Bulacan — Ang mga natitirang nakatira sa Barangay Taliptip na pagtatayuan ng P740-bilyong Manila International Airport ay nakalipat na sa kanilang bagong-gawang bahay sa Barangay Bambang bago pa dumating ang bagyong Rolly.

Ayon sa mangingisda na si Teody Bacon at ibang pang kapitbahay na taga-Sitio Kinse, hindi na nila katatakutan ang malakas na hangin at alon sa paglipat nila noong 31 Oktubre.

“Sa bahay namin sa Kinse halos nagdadadasal na lang kami na hindi maanod ng malalakas na hampas ng alon ang aming mga bahay. Nakasanayan na nga naming makipaglaro sa hampas ng alon. Sa bagong bahay namin siyempre masaya na kami, kasi hindi na namin daranasin ang hampasin ng malalaking alon ang mga bahay,” ani Bacon.

Nagpapasalamat si Bacon sa San Miguel Corporation sa pagtulong sa paghahanap ng 437-square meter na lupa na pinagtayuan ng anim na bahay na umabot rin ang pagpapatayo nang halos tatlong buwan. Mayroon na rin silang koryente at tubig sa bago nilang tahanan.

“Nagkaroon kami ng konkretong bahay na may titulo, may tubig at koryente. Salamat sa SMC sa pag-alalay nila sa amin mula sa paghahanap ng lote, pagpapatayo ng bahay, at pag-aasikaso sa pagta-transfer ng titulo at higit sa lahat sa pag-aasikaso na magkaroon kami ng sariling tubig at koryente. Kung kami lang siguro ang nag-asikaso, baka ni-isang papel wala pa kami naaasikaso,” ani Bacon.

Kahit nakasalalay pa rin sa pangingisda ang kabuhayan, bukas na si Bacon at iba pang residente na mag-aral sa TESDA upang madagdagan ang kanilang pagkakakitaan.

“Pangingisda pa rin ang pagkukukuhaan ko ng ikabubuhay kasi ‘yan na ang nakasanayan namin, at malawak naman ang karagatan. Pero kami po at ang mga misis namin ay gustong mag-aral sa TESDA. Hindi lang kami umabot sa first batch dahil kasalukuyang ginagawa ang mga bahay noon,” wika nya.

Ang naturang kurso sa TESDA ay upang mapaghandaan ng mga taga-Taliptip at taga-Bulacan ang mga benepisyong trabaho at negosyo habang ipinapagawa ang airport at kapag bukas na ito.

Kasama sa mga kurso ang Shielded Metal Arc Welding, Electrical Installation and Maintenance, at Heavy Equipment Operations. May mga kurso rin tulad ng dressmaking and cookery para sa mga gustong magtayo ng sarili nilang negosyo. Magtatapos ang unang batch ng mga TESDA students ngayong Nobyembre.

“We are happy to provide better homes and opportunities to Bulacan residents, particularly residents of Barangay Taliptip. They are now given the chance to rebuild their lives. You can’t help but feel sad when you see their previous homes but we admire them for their strength and resilience. This strengthens our commitment to help them and make sure they will really have a better future,” wika ni SMC president at COO Ramon S. Ang.

May kabuuang bilang na 277 may-ari ng konkreto at hindi konkretong bahay ang nabigyan ng cash assistance. Umaabot sa 364 beneficiaries ang nabigyan ng cash assistance.

Sa tulong ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ay ibinigay rin ang total appraised cash value ng mga abandonadong chapel sa Sitio Pariyahan, Sitio Dapdap, Sitio Bunutan, at Sitio Capol sa 242 residente ng naturang mga sitio.

May mga nanatili sa Bulacan ngunit may mga lumipat rin sa kanilang probinsiya sa Samar, Negros, Nueva Ecija, Sorsogon, Mindoro, Masbate, Camarines Sur, Malabon, Bataan Valenzuela, Parañaque, Dumaguete, at Albay.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *