Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gretchen Ho, aminadong fan ng OPM  

SOBRANG saya ni Gretchen Ho na kinuha siyang host sa The Search for The Sound of 7K Christmas Songs dahil OPM fan siya.

“I’m so excited kasi OPM fan ako since I was young,” sambit nito sa virtual press conference kamakailan.

Pag-amin ni Gretchen, ipino-post niya sa kanyang social media account  kapag may naririnig na bagong tunog o musika mula sa mga Pinoy talent.

“I’m excited to meet and feature in my different shows, natutuwa talaga ako kapag nakakarinig ako ng tunog-Filipino. Kaya it’s an honor to be here (as host) kahit hindi po ako singer ha, haha! I am a big fan and I can assure you na kung anuman ‘yung kanta ng mga paborito ninyong banda ay memorized ko ‘yun, ha, haha!” masayang sambit ng dalaga na bagamat mahilig sa sports (dahil varsity player ng volleyball sa Ateneo), mahal din niya ang musika.

Kuwento ni Gretchen, marunong siyang tumugtog ng gitara pero ang kumanta ay hindi.

Naniniwala si Gretchen na malaki ang nagagawa ng musika sa tao para maging positibo lalo na ngayong may pandemic.

“During the quarantine, one of the ways that we cope talaga is listening to music, eh. And sa tingin ko, as we become more creative with what we do online, dapat talaga mayroong space for Filipino music and I think it’s high time that we dig even deeper. And we know that OPM has been on a resurges for the past years with the so many originals coming up from different artists, talagang malakas ang OPM ngayon,” giit pa ng dalaga.

Hindi lang ang mga taga-Metro Manila ang mabibigyan nng exposure sa proyektong ito at 7K Sounds dahil pati mga taga-probinsiya na may talento sa paglikha ng musika at pagkanta ay mabibigyan ng platform sa online show na ito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …