“More than ever lalo na ngayong may pandemic, kailangan ng Pinoy ng constant and reliable news source. That is why I am here at the government’s premier station to do that exactly,” saad niya.
Kasama ni Tulfo sa team ang mga batikang broadcaster na sina Aljo Bendijo, Alex Santos, at Dianne Querer para sa kanilang pang-araw-araw na programa sa PTV.
Bukod kay Erwin, nakapagbigay na rin ng special report sa ‘Ulat Bayan’ ang iba pang anchors na sina Querer, Bendijo at Santos. Kasama sa mga report na ‘ýon ang malawakang topics mula sa public accountability, pumapalpak na public officials, at mga kontrobersiyal na government projects.
“We are happy our General Manager, Katkat de Castro, is herself a former journalist and producer. She is encouraging us to do what needs to be done to make our show at par with other mainstream programs,” dagdag pa ni Tulfo.
Sa ngayon ay tinatawag bilang Power 4 sina Erwin, Aljo, Alex, at Dianne. Ang Power 4 ay kombinasyon ng ilang dekadang journalistic experiences upang i-level up ang state-run television network.
“For the four of us, we discuss what we need to banter on air to present things in their best light.
“Pandemic na nga, so we try to lighten up and be inspirational also. We see to it that we end with a happy and hopeful note too,” saad pa ni Tulfo.
So far, naging maganda naman ang reaksiyon ng viewers at marami ang natutuwa sa binagong PTV.
“Keep watching us, every day 6PM to 7PM. Learn and be informed and see your taxes used to better your lives by the kind of shows we bring you,” pagtatapos ni Erwin.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio