WALA nang sumisigaw na audience nang mag-taping sina Ai Ai de las Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha ng Season 3 ng Kapuso singing competition na The Clash.
Kaya nga aminado si Ai Ai na nanibago siya dahil bukod sa contestants, eh staff and crew lang ang kasama nila sa studio.
“So kami-kami lang ang nag-uusap! Ako ang nagpapatawa lalo na ‘pag gabing-gabi na! Kung ano-ano ang pinag-uusapan naming tatlo! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ai Ai sa virtual mediacon na naganap kamakailan.
Mas mahigpit silang tatlo bilang judges. May matatanggal agad sa clashers.
“Siyempre, hindi kami dapat paapekto sa sad stories ng contestants na halos karamihan eh naaapektuhan ng pandemic.
“Kompetisyon ito. Hindi puwedeng madala kami sa kuwento nila. Kailangan magaling talaga ang winner. Presentable, malakas ang stage presence at kailangan consistent ang performance pati choice of songs nila!” rason ng Comedy Queen.
Sa pagbabalik ng The Clash, napanatag ang kalooban ni Ai Ai dahil may trabaho na siya after more than six months na matengga sa bahay at nagpaka-baker upang hindi maubusan ng pera!
Ngayong gabi at sa Linggo ang unang bakbakan ng 30 finalists ng The Clash.
I-FLEX
ni Jun Nardo