Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Catriona, nakalikom ng P1.15-M para sa Mask4AllPH

“EVERY Filipino must wear a facemask, to protect themselves and to protect others,” ito ang panawagan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa mga kababayang Pinoy na ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong Miyerkoles.

Pero dahil sa Covid-19 pandemic, marami ang nawalang ng trabaho at pagkakakitaan kaya hindi lahat ng Pinoy ay kayang makabili ng face mask bukod pa sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat tao.

Suportado ni Catriona ang isang charity project, ang Mask4AllPH.

Kuwento ng beauty queen, umabot sa P1.15-M ang nalikom na donasyon ng Mask4AllPH na bahagi pa rin ng Bayanihan Musikahan coalition na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap nating kababayan.

Post ni Catriona, “#Mask4AllPH, Thanks to your support, our ongoing initiative to provide both livelihood and free masks for the vulnerable sectors of our community has raised over Php1.15M and we have been able to pay wages to our 71 women seamstresses and produce more than 19,000 face mask.

“But we still need your support to continue to broaden our reach and help provide more jobs and free face masks to the community!

“Please visit www.mask4allPH.com for more info and also info on how to donate! Thank you!!! Stay Safe!!”

Hindi rin tumitigil ang dalaga sa mga programa ng Young Focus na tumutulong para sa mga mahihirap na pamilya ng Tondo at ang project nila ay makapagpatayo ng computer centers para sa mahihirap na estudyante roon bukod pa sa ipinamamahagi nitong bigas.

To date ay nahirang na bagong ambassadress ng Philippine Red Cross ang 2018 Miss Universe.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …