Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Glydel, Rochelle, Arra, Thea, at Jean Garcia, ‘di patatalo sa kahit anong laban

TULOY-TULOY ang programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sa pagpapalabas ng mga bagong episode tuwing Sabado. Ngayong buwan, Winner September ang tema ng Kapuso public affairs show na tampok ang apat na kuwento ng mga kababaihang hindi patatalo sa kahit anong laban.

 

Winner din ang mga artistang bibida sa bawat episode tulad nina Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Jean Garcia.

 

Maganda ang feedback na nakukuha ng show at sa nababasa namin sa social media, talaga namang nakaaantig ang bawat episode ng Wish Ko Lang! Sa dulo ng mga dramatization ay naroon ang pagpapaabot ng programa ng kaunting tulong sa na-feature na indibidwal at sa pamilya nito. Kahit ang viewers, panalo rin sa mga premyong ipinamamahagi ng show sa official Facebook page nito.

 

Sa Sabado (Sept. 5) na mapapanood ang episode na pagbibidahan ni Glydel tungkol sa kuwento ng isang inang naanod ang bahay. Makakasama niya rito sina Allen Dizon at Tere Malvar.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …