Mukha ng Lockdown: Food Diaries, inaabangan

MARAMI ang naku-curious kung sino ang magiging mukha ng  Lockdown: Food Diaries na mapapanood sa GMA-7 soon. Sa mga promo ay puro silhouette pa lang ng host ang makikita.

 

Tampok sa Lockdown: Food Diaries ang mga kuwentong napapanahon at busog sa impormasyon. Siyempre, related pa rin sa current events ang  palabas. Ang tanong nga sa mga inilabas na teaser, “paano nga ba binago ng COVID-19 pandemic ang industriya ng pagkaing Pinoy?” At dahil produced under GMA Public Affairs, malamang ay tatalakayin nito ang naging epekto ng pandemic sa food industry lalo na rito sa Pilipinas.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales