Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovely Abella, napakinabangan ang HIIT

SA Home Work episode ng New Normal: The Survival Guide, ibinahagi ni Lovely Abella na importanteng maging madiskarte sa panahon ngayon,

“Hindi pala pwede na naka-focus lang sa kung ano ang alam mo. Ang alam ko lang kasi ‘yung umarte, magpatawa ng tao, ito lang ang kaya ko, eh. Kailangan mong maghanap ng ibang way ngayon.”

 

Kaya nagdesisyon siya na maging fitness coach dahil bukod sa maaari itong pagkakitaan, makai-inspire rin siya ng ibang tao para mapanatiling healthy ang kanilang pangangatawan.

Sinimulan niya ang online HIIT (high-intensity interval training) classes. Aniya, “’Yun ang strength ko, kaya kong ituloy-tuloy ‘yan ng 45 minutes or one [hour], basta may rest in between. And alam ko kasi ang HIIT is best cardio para mag-lose ka ng weight at the same time building muscles.”

Samantala, mapapanood si Lovely sa fresh episode ng Bubble Gang sa Biyernes (August 28) sa GMA-7.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …