Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex Castro, namahagi ng libreng face mask sa mga tricycle driver

NAKATUTUWA naman si Alex Castro.  Dahil pinaiiral ngayon ang GCQ sa buong Bulacan, kaya naman balik pamamasada na ang mga tricycle driver. Ang ginawa niya, bilang Bokal sa 4th district ng Bulacan, binigyan niya ng libreng face mask ang mga tricycle driver sa kanyang nasasakupang distrito.

At siya mismo ang personal na namimigay sa mga ito, huh!

Hindi niya iniutos sa kanyang mga tauhan. Binigyan niya ng face mask ang tricycle drivers para maprotektahan ang kanilang mga sarili sa corona virus since namamasada na nga uli ang mga ito at nakakahalubilo ang iba’t ibang mga tao.

Sabi nga ni Alex sa kanyang Facebook post, “Dahil GCQ na, madami na ang mga bumabyahe nating mga kababayang mga trycicle drivers. Kailangan ay maprotektahan sila sa lansangan.”

 

Isa si Alex sa endorser ng Beautederm na ang President/CEO ay si Ms. Rei Anicoche Tan.

 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …