Monday , May 12 2025

The Singer 2020, bagong pakulo ni Nick Vera Perez

MAGKAKAROON ng bonggang singing competition si Nick Vera Perez sa malalapit niyang kaibigan.

Ito ang The Singer 2020 na ang audition ay magsisimula sa August 28 hangang September 12 na magaganap sa live streaming ni NVP.

Ang mga sasali ang pipili ng kanilang chosen song sa audition, pero kapag nakapasok sa semi-finals ay kailangan nilang kumanta ng isa sa mga kanta ni Nick sa album. Sa grand finals naman ay isang kanta lang ang kanilang aawitin.

Pipiliin ang 10 papasok sa Semi- Finals at tatlo naman ang maglalaban-laban sa Grand Finals.

Ayon kay Nick, “They need to come to KUmU app down load and register by adding NVP1WORLD-(name nila) – advantage ito to be given clap clap by NVP1Angels ko.

“ They need to start following KUmU and they must follow all my social media accounts.”

Ang tatanghaling The Singer 2020 Champion ay magkakamit ng 20K KUMU coins, habang  ang mga runner-up ay tatanggap ng 30K, 5K, at 2K with  round trip domestic flight on choice, exclusive dinner with NVP on visit, singing guest on Grand Finale Concert and GC from NVP1 World Entertainment.

Post ni Nick sa kanyang FB“It is happening!  Watch what really happens as we slowly introduce this competition via KUMUsta Nick? A stream on KUMU app! That’s right! Look for me under my official name and visit on 8/21 & 8/22 9PM US Central Standard Time or 10AM Manila Time!

“Yes!!!!! That’s in less than 48 hours or “ so! I’ll see you there!
I’m equally excited to see who Will win first!”

Ito ang paraan ni Nick na makatulong sa mga aspiring singer na magkaroon ng pagkakataong maipakita ang talento at magkaroon ng tsansang makapag-perform sa isang malaking konsiyerto na kasama siya.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *