KUNG napapansin ninyo, majority ng posted photos ni Dovie San Andres sa kanyang social media account ay nakasuot siya ng red outfit.
Kasi ayon pa kay Dovie, since childhood ay mahilig na talaga siya sa kulay pula kaya kahit ‘yung dream house niya na planong ipatayo sa kanyang lote sa Bicol,mula kurtina, ceiling, sofa, dining table, bed, etc., ay red ang motif.
At dahil tuloy na at seryoso sa pagpasok sa showbiz, nagdesisyon siyang Dovie Red ang gamiting screen name.
Maraming nag-suggest ng magiging showbiz name niya tulad ng Dovie Rose pero mas Dovie Red ang nagustohan o choice ng nasabing controversial social media personality.
Nais niyang makasama ang anak na young action star in the making, na si Elrey Binoe sa ipo-produce na indie movie sa direksiyon ni Vic Tiro.
So, expect natin ang mas maraming photos ni Dovie sa kanyang social media account na nakasuot ng pula at patutunayan niyang may karatapan siyang tawaging “Lady In Red.”
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma