Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nicolle Ulang, idol sina Angel, Vice, at Tonz

DESIDIDO ang newcomer na si Nicolle Ulang na matupad ang mga pangarap sa buhay at gagawin niyang daan ang showbiz para ito’y maisakatuparan. Hangad niya kasing makatulong sa kanyang pamilya, kaya handa siyang magsakripisyo para rito.

Si Nicole ay 17 years old at napabilang sa Top 25 ng Artista Teen Quest ng SMAC TV Production. Siya ay nakalabas na sa TV show na Tanikala ng GMA-7. Ilan sa talents niya ay singing, dancing, acting, modelling, at playing musical instruments.

Ayon kay Nicolle, bata pa lang ay hilig na raw talaga niya ang umarte. “Hilig ko na po talaga ang mag-artista kahit po noong bata pa lang ako, sabi ko po sa sarili ko na tutuparin ko ‘yung pangarap ko hanggang sa paglaki ko. Gusto ko rin po kasing magpasaya ng mga tao at makatulong.

“Handa po akong magsakripisyo para sa pamilya ko, na maipakita ko sa kanila na kaya kong tuparin ang mga pangarap ko sa buhay. Para maging proud sila sa akin, lalo na po ang parents ko, kasi mahal na mahal ko po sila,” sambit niya.

Sino ang mga iniidolo niya sa mundo ng showbiz? “Sina Angel Locsin, Vice Ganda, at Dada Tonz Are po, sila po ‘yung iniidolo kong mga artista kasi magagaling po silang actor at actress. Nakapagpapasaya sila sa mga tao at hindi nagsasawang tumulong sa kapwa nila,” saad ni Nicolle.

Thankful si Nicolle sa award-winning indie actor na si Tonz na tumatayong mentor, acting coach, at manager niya. “Tinupad po ng aking Dada Tonz – na isa sa acting coach ko and tumutulong sa akin until now, na siya ang nagpapalakas ng loob ko. Lagi niyang sinasabi na kaya ko at ‘Sayang my talent ka.’ Very supportive po si Dada Tonz sa akin, kasi noong SMAC TV pa lang from Binangonan, talagang sinamahan niya ako hanggang matapos ang event,” esplika niya.

Pahabol pa ni Nicolle, “Nagpapasalamat din po ako kasi nakapasok ako sa Daydreamer Production na pangalawang pamilya ko na rin. Sa parents ko po, ipapakita ko sa inyo na magsisikap ako para matupad ang mga pangarap ko, para maging proud kayo sa akin and matulongan ko po kayo at ang mga kaptid ko.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …