Thursday , June 4 2026

Nonie Buencamino, saludo sa pamilya Layug

HINANGAAN ni Nonie Buencamino ang tapang at katatagan ng pamilyang Layug.

Nakaramdam ako ng pagmamahal para sa pamilyang ito na puro frontliners. Lahat sila isinugal ang buhay nila para sa kanilang kapwa at para sa kapakanan ng mga pasyente nila, pinipigilan nilang maging emosyonal sa harap ng iba pero tao pa rin sila, natatakot at nagkakasakit. Pero lumaban sila. Hindi sila nagkawatak-watak. Sinuportahan nila ang isa’t isa, at isinantabi ang pride,” pahayag ng mahusay na aktor.

Sa Walang Iwanan: The Layug Family Story, mapapanood ang napapanahong kuwento ng Layug family na nasa Amerika at nagkasakit ng Covid-19.

Ito ang bagong episode na mapapanood ng Kapuso viewers sa Magpakailanman ngayong Sabado, August 15 sa GMA.

Tampok dito sina Nonie at Shamaine Buencamino bilang Rainier at Remy Layug, at si Rita Daniela bilang Lea.

Ang episode na ito ay alay ng Magpakailanman sa medical frontliners bilang pagbibigay papuri at pasasalamat.

Alam nating lahat na noon pa man at lalo na ngayon sa panahon ng pandemya, ang mga medical frontliner ay maituturing na mga bayani sa buong mundo.

Sa direksiyon ni Zig Dulay, alamin ang buong kuwento ngayong Sabado, 8:00 p.m., sa .pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …