Thursday , June 25 2026

Babae at Baril ni Janine, pang-opening sa NY Asian Filmfest

PANG-INTERNATIONAL scene talaga ang pelikulang pinagbidahan ni Janine Gutierrez na Babae at Baril na ipinalabas noong 2019.

 

Ngayong taon, napili ang psycho-thriller film para sa opening ng New York Asian Film Festival na magsisimula sa August 28 hanggang September 12.

 

Ang tema ng line-up ngayong taon ay women filmmakers at Korean movies.  Inanunsiyo ni Janine ang masayang balita sa kanyang Instagram.

 

Lahad niya, “So excited and soo fffffing wish we could actually go to NY for the North American premiere at the NYAFF but, nonetheless congrats to the team! Babae at Baril is available in the Philippines on Cignal Play streaming. I hope you get to see it. So proud to be part of this female-led team.”

 

Sa Babae at Baril, ginampanan ni Janine ang karakter ng isang sales lady na galing sa probinsiya. Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang buhay matapos makapulot ng baril.

 

Pinarangalan din si Janine bilang Best Actress dahil sa pelikulang ito sa 2019 QCinema Film Festival para sa kanyang natatanging pagganap dito.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …