MASUWERTE ang mga big star at ilang artistang nakapag-impok habang kumikita ang mga pelikula at madalas ang paglabas sa telebisyon. Kahit paano kasi may nabubunot o panggastos sila sa panahong ito ng Covid-19.
Mahirap iyong walang pera o walang panggastos. Mahirap umasa sa ayuda ng gobyerno.
Kaya dapat sa mga artista may fall back, may ibang negosyon at huwag umasa sa buhay showbiz. O iyong maging one day millionaire na ubos-ubos biyaya.
Ang dapat ay matutong magtabi o mag-ipon hangga’t may proyekto para kapag dumating ang tulad ng ganito ay may nabubunot.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales