Thursday , June 4 2026
UMABOT sa P136 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong suspek na kinilalang sina Yao Yuan, Piao Heng, at Israel Ambulo sa buy bust operation ng mga ahente ng PDEA-RO NCR sa parking area ng Quezon City Memorial Circle. (ALEX MENDOZA)

2 Tsino, Pinoy, huli sa P136-M shabu  

NAARESTO ng mga ahente ng Phlippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong big time drug dealer na kinabibilangan ng dalawang Chinesse national at isang Pinoy sa isinagawang buy bust operation kahapon ng hapon sa Quezon City.

 

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina Yao Yuan, Piao Hong, kapwa Chinese national, at Israel Ambulo.

 

Sa inisyal na ulat, dakong 1:30 pm nang madakip ang tatlo ng PDEA-National Capital Region  sa parking lot ng Quezon City Circle na matatagpuan sa Elliptical Road.

 

Isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na bumili ng isang kilong shabu. Nang magkaabutan ay dinamba ang tatlo.

Nang siyasatin ang itim na travelling bag ng mga suspek sa kanilang sasakyan, natuklasan ang 19 kilong shabu na may market value na P136 milyon.

 

Nakuha mula sa mga suspek ang buy bust money, Nissan Cefiro, may plakang TAW 576, at ilang cellphones na ginagamit sa pagbebenta ng shabu.

 

Nakapiit na ang mga suspek sa PDEA detention cell habang inihahanda ang mga kasong kanilang kakaharapin. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …