TRANSMAN na ang sumali noon sa isang season ng Starstruck si Jesi Corcuera. Umapir siya sa Bawal Judgment segment ng Eat Bulaga na “lalaki” na ang hitsura kasama ang ilang kasama niyang trasman last Saturday.
Natatandaan namin noong Starstruck days ni Jesi, buking na ang pagiging tomboy niya. Asiwang-asiwa nga siya kapag nagsusuot ng dress.
Pero sa paglutang niya sa national television, puno na siya ng confidence. Kahit chubby eh guwaping ang dating, huh!
Trending sa Twitter ang episode na ‘yon ng Bulaga. Sumaludo naman ang netizens sa mga tanong nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros na naging maingat para hindi maka-offend.
Sa episode na ‘yon, ang Kapamilya actor na si Richard Yap ang celebrity judge. Enjoy na enjoy siya sa segment at ang mga pilyong netizens, ginawan pa sila ng loveteam ni Paolo, huh!
Sa totoo lang, kahit tambak ang commercial load ng Bulaga, lalo na sa segment na ito, matutuwa ka naman sa shocking revelations kada araw!
I-FLEX
ni Jun Nardo