Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Bebot pinulutan ng katagay

ARESTADO ang isang maintenance service worker nang pagsaman­talahan ang isang 22-anyos na babae na kanyang nakainuman sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Francis Martin, 34, may live-in partner, residente sa Blk 56 Lot 9, Mabuhay Homes Phase 2E, Barangay Dila, Sta. Rosa, Laguna.

Sa ulat, nangyari ang panghahalay sa loob ng Unit No. 1102 Imperial Tower Condominium, A. Mabini Street, Malate, Maynila dakong 4:00 am.

Nauna rito, nag-inuman sa fire exit area ng condominium si Martin at biktima na itinago sa pangalang Judy, may live-in partner, taga-Libtong Meycauayan, Bulacan kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Matapos ang kanilang inuman bumalik ang biktima sa kanilang condo unit at habang papasok, bigla siyang hinatak ni Martin saka pinaghu­hubaran at sapilitang ginahasa.

Hindi naman umano nakapanlaban ang biktima ngunit agad nagsumbong sa kaniyang kinakasama at humingi ng saklolo sa Remedios PCP kaya naaresto si Martin.

Kasong paglabag sa RA 8353 o The Anti-Rape Law of 1997 ang isasam­pa sa Manila Prosecutors Office laban kay Martin.

(VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …