Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

Kilabot na illegal drug group leader nalambat

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang isang tricycle driver, na itinuturong lider ng isang notoryus na grupong nagtutulak ng ilegal na droga drug, sa isang buy bust operation sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Nakapiit na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang naaresto na si Alexander Morales, alyas AJ, 28 anyos, tricycle driver at residente sa Sandico St., Tondo, Maynila.

Sa ulat, isang high value individual at lider ng notoryus na AJ Morales Drug Group ang nadakip na suspek.

Ayon sa report, 7:30 am nang maaresto si Morales ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Sandico St., kanto ng Asuncion St., sa Tondo.

Nauna rito, nakatang­gap ang mga awtoridad ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t agad na nagkasa ng buy bust operation.

Nang makabili ng ilegal na droga ang poseur buyer mula sa suspek ay kaagad dinak­ma ng mga awtoridad.

Nakuha mula kay Morales ang buy bust money na ginamit sa operasyon, gayondin ang may 45.5 gramo ng hinihinalang shabu, na nakalagay sa plastic sachets at tinatayang nagkakahalaga ng P309,400. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …