Thursday , December 26 2024

Roque nag-sorry sa PhilHealth WHITE union

HUMINGI ng paumanhin si Presidential Spokesman Harry Roque sa mga kawani ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na umalma laban sa “sweeping statement” na may mga ‘buwaya’ pa rin at talamak ang korupsiyon sa ahensiya.

“Naku, I’m sorry po to the honest-to-goodness, matitinong tao po na nagtatrabaho sa PhilHealth. In fairness, napakaraming matitino po riyan, halos lahat matitino, mayroon lang talagang mga bugok,” ani Roque sa virtual press briefing kahapon.

Sa panayam ng HATAW kay Fe Francisco, pangulo ng PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (PhilHealth WHITE) ay sinabi niyang demoralisado ang mga kawani at matitinong opisyal ng ahensiya sa “sweeping statement” ni Roque laban sa mga taga-PhilHealth dahil kahit saan sila magpunta, ang tingin sa kanila ay ‘corrupt.’

Ipinagmalaki ni Roque na may mga naidemanda na siyang senior executives ng PhilHelth kaugnay sa ilang anomalyang nabisto niya sa ahensiya.

Giit ni Francisco, ang unyon bilang watchdog of the people, ay umaapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na iutos ang in-depth investigation sa mga napaulat na katiwalian sa PhilHealth upang magwakas na ang ‘vicious cycle’ na urong-sulong na expose ng mga politiko sa mga anomalya sa ahensiya ngunit wala namang nangyayari.

Nakahanda aniya ang unyon na makipagtulungan sa anomang imbestigasyon na isasagawa kaugnay sa mga anomalya sa ahensiya.

Aminado si Roque na ang ‘hugot’ niya laban kay PhilHealth President at CEO Ricardo Morales ay dahil sa hindi pag-aksiyon laban sa mga opisyal ng ahensiya na sumabit sa katiwalian at ang pagtanggi na bigyan siya ng mga hinihingi niyang dokumento.

Kaugnay ito ng isiniwalat na anomalya ni Roque sa ghost dialysis patients ng Wellmed Diagnostics Center na pinaniniwalaan niyang may kasabwat sa PhilHealth. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *