Monday , May 20 2024

‘Criminal negligence’ sa gitna ng Covid-19 pananagutan ng DOH (Sa pagkamatay ng 1,108 Pinoys)

DAPAT managot ang Department of Health (DOH) sa pagkamatay ng mahigit isang libong Filipino sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19) dahil sa sablay at palpak na pagtugon sa krisis.

Sa ilalim ng batas, ipinaliwanag na: “criminal negligence is a surrogate mens rea (Latin for guilty mind) required to constitute a conventional as opposed to strict liability offense.”

Tinutukoy nito ang obhektibong pamantayan ng inaasahang asal o gawi ng mga ‘nasasangkot’ nang hindi ito iniuugnay sa kalagayan ng kanilang pag-iisip.

Kaugnay nito, pinuri ng nagbitiw na National Task Force on COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon ang desisyon ng Ombudsman na imbestigahan si Health Secretary Francisco Duque at iba pang opisyal ng kagawaran kaugnay sa mga isyung may kinalaman sa COVID-19.

Giit ni Leachon, ngayon lamang siya nakakita ng recording na ginagawa ng DOH na mayroong ‘fresh’ at ‘late’ COVID-19 test results.

Mistula aniyang nilalaro ng DOH ang mga datos samantalang buhay ng mga Pinoy ang nakasalalay dito.

Kabilang sa ipinasisiyasat ni Ombudsman Samuel Martires ang umano’y kapalpakan at iregularidad ng DOH na naging daan sa pagkamatay ng maraming health workers at paglobo ng bilang ng mga binawian ng buhay at nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng medical frontliners. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *