Sunday , April 28 2024
arrest prison

Mag-anak na holdaper, arestado

KALABOSO ang magkakamag-anak na holdaper sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Jesus Nacion, 28 anyos; at kapatid na si Jasson, 20; pinsan na sina Arnie  Nacion, 25; Juandren Narvalte,18, at kapatid na 17 anyos, pawang naninirahan sa 12th St., Port Area at pawang nahaharap sa kasong  robbery holdup, physical injury at malicious mischief.

Responsable sa panghoholdap ang mga suspek sa mag-amang biktima na sina Manuel, 50; at Jerome Santillan, 20 anyos ng Caloocan City .

Sa ulat, sinabi ng nakatatandang Santillan na iniwan nito ang anak sa kanilang sasakyan sa bahagi ng M.Lopez Blvd., ngunit ilang sandali lang ay nilapitan ng isa sa suspek.

Nang holdapin ang batang Santillan, pumalag siya kaya’t nabugbog hanggang magawang makatakbo palayo sa mga suspek.

Gayonman, nagawang sirain ng mga suspek ang salamin ng harapang bahagi ng sasakyan ng mag-ama.

Tiyempong pabalik sa sasakyan si Manuel kaya maging siya ay sinaktan at puwersahang kinuha ang dalang sling bag bago sila iniwan.

Dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya ang mag-ama kaya agad nagsagawa ng follow-up operation sa bahagi ng Port Area at doon naaresto ang limang suspek malapit sa Philippine Red Cross. (VV)

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *