Saturday , November 16 2024

Huling quarantine facility sa Maynila binuksan ni Isko

IPINASA na at ipinaubaya ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pinakahuling quarantine facility na ipinatayo ng lokal na pamahalaang Maynila sa Tondo.

 

Ayon kay Mayor Isko, ang Gregorio del Pilar Elementary School sa Tondo ay may kabuuang 48 kama bilang  karagdagan sa mahigit 250-kamang quarantine facility na nabuo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

Nabatid, ang Gregorio del Pilar Elementary School ay nilagyan ng walong tent para magsilbing bagong quarantine facility sa mga taga-Maynila na magkakaroon ng sintomas ng COVID-19.

 

Nauna rito, binuksan ng alkalde sa publiko ang San Andres Quarantine Facility na may 60 kama; Dapitan Sport Complex Quarantine Facility, Araullo Quarantine Facility, Paez Quarantine Facility, at iba pa.

 

Sa panahon ng pandemya, sinabing prayoridad ni Isko ang puspusang pagsasagawa ng massive rapid testing upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan kaya nagpatayo rin ng mga quarantine facility para sa mangangailangang Manileño.

 

Iniulat na matatapos na ang itinatayong laboratoryo para sa COVID-19 testing sa Maynila na inilagay sa Sta. Ana Hospital. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *