Saturday , November 23 2024
Taguig bike lane Laguna Lake Highway

Taguig nagpasalamat kay Pangulong Duterte, at DPWH Sec. Villar sa ‘model bike highway’ sa C6 Road

BUMUBUHOS ang taos-pusong pasasalamat mula sa mga siklista dahil sa bike lane na inilatag sa Laguna Lake Highway na proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte, at naisakatuparan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangu­nguna ni Secretary Mark Villar dahil ligtas na silang maka­pagbibisikleta sa kalsada.

Ayon sa siklistang si Enrique Tija, 43-anyos na residente sa Barangay Napindan, ang bike lane ay malaking tulong sa kanya at mga kaibigan niyang palaging nagbibisikleta.

“Kada Linggo, nagbibisikleta kami rito at nag-eensayo… ang ibang tao rin na pumapasok sa trabaho ay dumaraan dito nang ligtas at ‘di masasagi ng mga sasakyan o motorsiklo,” wika ni Tija.

Dagdag niya, isyu talaga ang kaligtasan ng nagbibisikleta sa kalsada, isa sa kanyang anak ay naputulan ng dalawang daliri sa aksidente habang nagbibisikleta. Nagulungan ng jeep ang kanyang daliri nang maitukod niya ito upang hindi bumagsak sa semen­to.

Ang jeepney driver na si Reymond Banaba, 49, ay nag­pupunta rin sa Laguna Lake Highway upang mag-bike: “Maayos dito sa Taguig dahil may proteksiyon ang lugar sa mga nagbibisikleta bukod pa sa magiging malusog at mananatiling aktibo ang aming katawan. Dati, hindi ligtas ang lugar na ito para magbisikleta ngunit nang ma-develop ito, nakahiwalay na ang bike lane sa main road kaya ligtas at protektado kami sa mga humaharurot na sasakyan.”

Inilunsad nitong Pebrero 2019, ang kalsadang 3-metrong lawak at 5.8 kilometrong layo, sinabing  kauna-unahang protected bike lane sa Philippine national highway, isang modelo para sa luma at bagong kalsada na malawak para lagyan ng bike lane.

Ang lane ay hiwalay sa highway at mayroong planting strip, upang masiguro ang per­manent structure na nagbibigay proteksiyon sa mga biker laban sa mabilis na daloy ng sasakyan.

Ang lugar ay mayroon din maliwanag na streetlights at road signages para dagdag kalig­tasan.

“Ito ay napakahalagang hakbang tungo sa maayos na kapaligiran at itong bike lane ay isa sa maayos na inisyatibo,” ayon kay Primo Longos, 62 anyo, isang biking enthusiast simula pa noong 1980s.

“Malaking tulong ito lalo sa mga nakatatandang siklistang kagaya ko. Isipin mo na lang na delikdao kaming humalo sa mabibilis na sasakyan sa kalsada,” aniya.

Ang Taguig City, kamakailan ay nagtayo ng 5.8-kilometrong protected bike lane na bahagi ng komprehensibong pagsulong sa pagbibisikleta bilang alter­natibong paraan ng trans­portasyon ng mga manggagawa at residente.

Tiniyak ng lokal na pama­halaan ng Taguig na ang pro­tected bike lane ay mananatiling ligtas at malinis, may bagong pintura bilang bahagi ng World Bike Day celebrations noong 3 Hunyo. Mayroon din itong directional signages na ikinabit.

“Lahat po ay welcome na lumahok sa Taguig sa bagong inisyatibo na gumamit ng bike lane sa kanilang pagbibisikleta,” ayon kay Mayor Lino Cayetano.

“Gamitin po natin ito dahil ito ay ligtas bilang bahagi ng in-city biking spot sa siyudad. Libre po ito para sa lahat,” anang alkalde.

“Ang proyekto ay isang bahagi ng multi-step approach upang i-promote ang pag­bibisikleta sa Taguig. Sa 3 Hunyo, mayroon na pong bike lanes sa Cayetano Boulevard at Bayani Road para sa tatlong araw na demonstrasyon upang subukan ang dami ng magbibisikleta na maaaring gumamit ng daan na nakatalaga sa kanila lalo na ngayong general community quarantine (GCQ) na mabisa ang integrated bike path sa loob ng siyudad,” ani Mayor Cayetano.

Noong 1 Hunyo, ang Taguig ay nagpasa ng “Bike-Friendly Taguig Ordinance” na nagtatag ng Active Transport Office upang tutukan ang pagsulong ng pagbibisikleta ng publiko at paramihin ang bike-friendly spots sa lungsod.

“Magandang dagdag ang bike lanes sa aming pagbibisikleta,” saad ni Remigio Belen, 68.

“Mainam na magkaroon nito na ‘di kalayuan sa aming lugar, at kung marami pa ang kagaya nito tiyak mas darami ang mahihi­kayat na gumamit ng bisikleta na tulong sa kapaligiran at kalinisan ng hangin,”

Dagdag ni Banaba: “Pangarap ko talaga ng mas maraming bike-friendly roads. Ito ay sa kapakanan ng maraming nagbibisikleta na manatiling ligtas kami sa maraming lugar,”

Sabi naman ni Geminiano Joya, isang senior citizen at retired policeman: “Kung maraming maayos na bike lanes sa Taguig, marami rin ang makikinabang na tao. Ligtas kami pati na rin ang iba na nag­bibisikleta papasok sa trabaho.”

Ang “Bike-Friendly Taguig Ordinance” ay may layunin din na hikayatin ang city hall employees, law enforcers at public health workers na mag-avail ng bike-lending program.

Ang Taguig ay nakikipag-ugnayan na sa business sector upang maparami pa ang bike-friendly places at facilities, kasama ang protected lanes, showers at restrooms para sa cyclists at maging ang mga bike rack.

Plano rin na hikayatin ang mga negosyante na magbigay ng insentibo sa mga manggagawa na gagamit ng bisikleta.

Maglalabas din ang Taguig City ng buwanang “Bike-Friendly Map” sa I Love Taguig Facebook page upang ipaalam ang mga bagong bike lanes at cyclist-friendly facilities. Ang bike lane sa Laguna Lake Highway ay isa nang permanenteng spot sa mapa.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *