INILABAS ni Luis Manzano sa kanyang Twitter ang pahayag ng inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto tungkol sa ipinasa ng Kongreso na isa siya sa miyembro.
Nakasaad sa screen shot ng inilakip ni Luis ang statement ng ina.
“I am not the principal author of House Bill 6875.
“I am in favor of it WITH RESERVATIONS. I have concern about the country’s national security policy.
“I just hope that the law enforcement agencies will implement it in accordance with the Constitution, full respect to human rights and without any abuse whatsoever.”
‘Yun nga lang, mayroong hindi pumabor sa rason ni Cong. Vi ayon sa ilang reports.
Cong. Vilma knows better kaya anuman ang naging desisyon niya eh, irespeto natin. Dahil noong naganap ang botahan sa Kongreso sa pagpasa ng pagbabalik ng death penalty, isa si Ate Vi sa umayaw na ibalik ito, huh!
Matapos purihin ang nanay ni Luis sa nakaraang hearing ng ABS-CBN franchise renewal, batikos naman ang inabot niya sa pahayag niya sa Anti-Terrorism Bill.
Naku, sa sitwasyon ngayon, damn if you do damn if you don’t! Wala kang lusot sa mga troll!
I-FLEX
ni Jun Nardo