Wednesday , June 24 2026

Ate Vi, binatikos sa pagpabor sa Anti-Terrorism Bill 

INILABAS ni Luis Manzano sa kanyang Twitter ang pahayag ng inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto tungkol sa ipinasa ng Kongreso na isa siya sa miyembro.

Nakasaad sa screen shot ng inilakip ni Luis ang statement ng ina.

“I am not the principal author of House Bill 6875.

 

“I am in favor of it WITH RESERVATIONS. I have concern about the country’s national security policy.

  

“I just hope that the law enforcement agencies will implement it in accordance with the Constitution, full respect to human rights and without any abuse whatsoever.”

‘Yun nga lang, mayroong hindi pumabor sa rason ni Cong. Vi ayon sa ilang reports.

 Cong. Vilma knows better kaya anuman ang naging desisyon niya eh, irespeto natin. Dahil noong naganap ang botahan sa Kongreso sa pagpasa ng pagbabalik ng death penalty, isa si Ate Vi sa umayaw na ibalik ito, huh!

Matapos purihin ang nanay ni Luis sa nakaraang hearing ng ABS-CBN franchise renewal, batikos naman ang inabot niya sa pahayag niya sa Anti-Terrorism Bill.

Naku, sa sitwasyon ngayon, damn if you do damn if you don’t! Wala kang lusot sa mga troll!

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …