Thursday , June 4 2026

Tugade umamin: Libreng sakay ng AFP, PNP ‘palpak’ sa health protocols

SABLAY ang proyektong ‘Libreng Sakay’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga stranded na pasahero kamakalawa dahil nagsiksikan sa mga truck na labag sa umiiral na health protocol na social/physical distancing.

Inamin ito ni Transportation Secretary Art Tugade sa virtual press briefing sa Palasyo kahapon.

“The assumption na pinapayagan namin na magsiksikan sa mga truck, wala ho kaming pinapayagan diyan. Basta ginamit iyong modality of transport, social distancing must be observed. Kung may mga nangyayaring ganiyan, hindi ho iyan resulta ng pagpayag but resulta ho ng tinatawag nating “failure of implementation” at kailangan lang i-correct,” ani Tugade.

Marami ang nabahala sa mga kumalat na larawan at video ng mga truck ng AFP at PNP na siksikan ang mga pasahero sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Binatikos ng netizens ang pagbabawal ng gobyerno na makabiyahe ang jeepneys sa paghuhusgang hindi maipatutupad ang social/physical distancing sa ayos ng upuan na magkakatapat pero sa ‘Libreng Sakay’ ay umubra ang siksikan ng mga pasahero.

Paliwanag ni Tugade, kapag kinapos ang “instrument of transportation” ay puwedeng pahintulutan na pumasada ang mga jeep basta matiyak ang maayos na kondisyon nito at paiiralin ang health protocols.

“Hindi ho forever na hindi magagamit iyan. Ang ibig lang hong sabihin sa hierarchy of transportation: kung kakapusin ang instrument of transportation, puwede hong ipasok iyong jeepney diyan, kailangan lang ho mayroong roadworthiness, “ani Tugade.

Sa ilalim ng GCQ, ibinalik ang public transportation ngunit sa limitadong kapasidad gaya ng tren, bus,  P2P bus, Grab, taxi, bisikleta at tricycle.

Naunang napaulat na maraming jeepney driver ang namamalimos na lamang sa mga kalye mula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Luzon bunsod ng pandemyang COVID-19 noong 17 Marso at ipinagbawal ang public transportation. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …