NAKAKALOKA naman iyong kautusang huwag nang pagtrabahuhin ang mga senior sa movie industry.
Kaya hindi namin masisisi kung nag-react sina Eddie Gutierrez at Tommy Abuel dahil apektado sila sa kautusang ito. Hindi na nga naman sila makalalabas gayong kaya pa naman nila ang umarte. Malalakas pa ang kani-kanilang katawan.
At sino nga naman ang magbibigay-suporta sa pamilya nila?
Hindi makatarungan ang kautusang ito para sa amin. Unfair at ‘di makatao.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales