PUMASOK sa trending topics nationwide ang muling pag-ere ng Stairway to Heaven sa GMA Afternoon Prime.
Ayon sa isang viewer, kahit ilang taon na simula nang una itong mapanood ay ibang klaseng kilig pa rin ang hatid ng kuwento.
Pinagbibidahan ang Korean remake nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Rhian Ramos, pero ang mga gumanap na mga batang version nila ay sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Joshua Dionisio.
Na-miss ng viewers ang chemistry nina Cholo at Jodi, kaya susubaybayan muli nila ang serye.
Napapanood ang Stairway to Heaven pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.
RATED R
ni Rommel Gonzales