Friday , November 22 2024

Vice Ganda, napaiyak– Nalulungkot ako dahil ang daming poot ng mga tao, ang daming galit sa isa’t isa, ayaw magkaunawaan

SA kanyang Facebook Live kamakailan, sinabi ni Vice Ganda na sobra siyang nalulungkot sa katakot-takot na panlalait na natatangap ngayon ng dalawa niyang kaibigang sina Kim Chiu at Coco Martin. Ito ay matapos na maglabas ang dalawa ng kanilang saloobin sa pagsasara ng ABS-CBN.

“Nalungkot ako para sa mga kaibigan ko na nami-misinterpret. Nalulungkot ako para kay Coco, nalulungkot ako para kay Kim Chiu. Kasi, parang hindi nila deserve na pagsalitaan..” sabi ni Vice.

Patuloy niya, “I will not deny the fact na itong mga nakalipas na araw, may mga araw na naiiyak ako. Nalulungkot ako dahil parang ang daming poot ng mga tao, parang hindi magkaintindihan ang mga tao. Ang daming galit sa isa’t isa, ayaw magkaunawaan.”

 

Aminado si Vice na kulang ang buhay niya na walang ABS-CBN.

“Hindi ako okey na walang ABS-CBN. Hindi ako okey na walang ‘TV Patrol.’ Hindi ako okey na walang ‘It’s Showtime.’ Hindi ako okey sa mga nangyayari. At dahil naramdaman ko na ang daming galit sa paligid, nalungkot ako, so naiyak ako.”

May bahagi rin ng kanyang video na nagpayo si Vice kung paano harapin ang mga taong mahilig manira.

“’Yung mga ganyang tao matitigas ulo niyan. Kahit anong pakiusap mo, ‘nak ng pota, hindi makikinig sa ‘yo iyan. Bubuwisitin ka lang lalo niyan. Kailangan patatagin ninyo ang sarili ninyo. Hindi natin mako-control ang ibang tao kung paano sila mag-iisip, kung paano nila bubuksan ang mga bunganga nila, at kung paano sila mag-iisip tungkol sa atin.”

 

Ang pinakamabisang pang-inis sa detractors ay ang paunlarin ang sariling buhay.

“Pagandahin natin nang pagandahin ang buhay natin at saka sarili natin. Nagngingitngit sila riyan. ‘Pag may magandang nangyayari sa buhay mo, galit na galit sila riyan. So galitin natin sila sa pamamagitan ng pagpapalawig ng tagumpay sa sarili natin. ‘Pag masaya tayo, hindi sila masaya,” diin pa niya.

***

Vice, ‘di na aligaga sa pag-ibig dahil kay Ion

SAMANTALA, puno ng kilig na sinabi ni Vice na sobrang masaya siya ngayon sa piling ng boyfriend na si Ion Perez.

“Diyos ko, sa rami naman ng pinagdaanan ko sa pag-ibig. Sa rami rin naman ng nanloko sa akin, kaya damang-dama ko ang kaibahan ngayon. Ang puso, kusa mo mararamdaman na, ‘Ay, eto na.’ Wala ka nang ibang hinahanap.”

 

Noong hindi pa niya  nakikita ang tunay na pag-ibig, aligaga si Vice sa mga bagay na gusto niyang gawin.

“Dati ‘pag wala kang dyowa, gusto mo rumampa, gusto mo uminom, gusto mo humarot, gusto mo tsumika. Lahat gusto mo gawin para lang malibang ka. Pero ‘pag in love ka na, ayaw mo na ng pag-aaksaya ng energy sa walang kapararakan.”

 

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *