NAG-PRANK call si Enchong Dee para sa kanyang You Tube channel. Tinawagan niya ang mga malalapit niyang kaibigan na kapwa artista, para mangutang ng P3M-P5M for emergency funds. Hindi kasi nag-o-operate ang restaurant business niya ngayon, dahil sa ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine.
“Hihiram tayo ng pera sa kanila. Titingnan natin kung pahihiramin nila ako or magbi-begg off sila sa request ko,”simulang sabi ni Enchong bago ang prank call.
Una niyang tinawagan si Rayver Cruz. Pero hindi ito sumasagot, kaya hindi niya alam kung makahihiram siya ng pera rito o hindi.
Sumunod niyang tinawagan ay si Enrique Gil. Nang sabihin niyang mangungutang siya, tinanong muna siya nito kung magkano. Ang sagot n’ya ay P3-M to P5-M. Umoo naman si Quen. Kakausapin niya na ang mommy niya.
After marinig ang magandang sagot ni Quen, sinabi ni Enchong na nagpaplano siyang bumili ng lamborghini, isang mamahaling car, at kapos siya ng P3-M to P5-M.
Nagulat si Quen sa sinabi ni Enchong. Kaya napatanong ito ng “ano?”
Roon na sinabi ni Enchong na nagbibiro lang siya, at gumagawa lang siya ng prank video.
Natawa na lang si Quen. Pero sinabi niya na alam niya na maraming pera ang actor kaya nagtataka siya na magagawa pa nitong manghiram.
Nagpasalamat naman si Enchong kay Quen. Nalaman niya na isa talaga itong mabuting kaibigan, na maaasahan kung talagang mangangailangan siya.
Ang ilang pa sa tinawagan ni Enchong para manghiram ng malaking halaga ay sina Maja Salvador, Gerald Anderson, at Erich Gonzales. At ang tatlo, gaya ni Quen ay willing siyang pahiramin.
O ‘di ba, kung totoo palang gipit si Enchong ay may mga kaibigan siyang handang tumulong sa kanya.
Pero si Erich, noong nalaman na joke o prank lang ang panghihiram ni Enchong ay pinagsabihan niya ito.
Sabi niya, nakukuha pang magbiro ni Enchong to think na ang mga tao ay nababaliw na dahil sa pinagdaraanang pandemic outbreak.
Kung ganyang handang magpautang ng milyon sina Quen, Gerald, Maja, at Erich kay Enchong, iisa lang ang ibig sabihin nito, na mga milyonaryo na sila, ‘di ba?
MA AT PA
ni Rommel Placente