Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, durog na durog ang puso—Sana masarap ang tulog ninyo

HINDI napigilan ni Angel Locsin na hindi maglabas ng saloobin sa mga natutuwa at nagdiriwang sa pagsasara ng ABS-CBN.

Aniya, “Sa lahat ng nagmamagaling at nagsasabi na ‘buti nga nagsara ang ABS’, sana masarap ang tulog ninyo ngayon gabi at nakapagbayad na ng bills.

 Sana rin masarap rin ang mga napamalengke ninyo na ipapakain sa inyong pamilya. Sana walang magkasakit na kailangan ipagamot at gastusan.”

Matulungin si Angel sa mga nangangailangan dahil ramdam niya kung paano ang mangailangan kaya durog na durog ang puso niya habang pinanonood ang huling episode ng TV Patrol nitong Martes ng gabi.

Tahimik at tumutulo ang luha ng aktres habang nakahiga at pinanonood sa kanyang cellphone ang kaganapan sa Kapamilya Network at isa-isang binabasa ang mga komento.

Hindi naman nagustuhan ng kanyang fiancé at film producer na si Neil Arce ang senaryo at kinunan niya ng litrato ang aktres.

“Breaks my heart seeing her like this. Angel didn’t renew her contract, so technically she did not lose her job. She’s been crying non-stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs.

“We’ve been under ECQ for 2 months now trying to save lives. Wala pang 10,000 ang may COVID dito pero ngayon 11,000 na tao ang mawawalan ng trabaho at milyong milyon na Pilipino ang hindi makakatanggap ng quick Information and konting kaligayahan sa mga panahon na ito.

“NTC you are evil. How dare you take away 11,000 jobs. We Will remember this.”

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …