NAGKALOOB ng kanyang plasma si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Philippine General Hospital (PGH) sa kanyang tuluyang paggaling sa coronavirus disease (COVID-19).
Magugunitang si Zubiri ang kauna-unahang public official na nagpositibo sa COVID-19 na tuluyan nang gumaling at nanumbalik na ang maayos na kalusugan kaya nagpasiyang magdonasyon ng kanyang blood plasma sa UP-PGH.
“No approved cure for the virus exists as of yet, but medical experts are looking at the possibility of extracting COVID-19 antibodies from recovered individuals in order to finally come up with a treatment,” ani Zubiri.
Matatandaan, nanawagan ang PGH sa COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang dugo para sa mga pasyenteng malala na ang kalagayan.
Sinasabing ang dugo o plasma ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ay mayroong antibodies na panlaban sa naturang karamdaman.
“I was very lucky to have recovered with no complications, but that is not the case for many other patients, whose bodies are less prepared to fight this disease. If plasma donations can help them in any way, then I am more than happy to offer mine,” pahayag ng Senador.
Umapela rin siya sa mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 na mag-donate din ng kanilang plasma para matulungan ang mga pasyenteng may malalang sakit dulot ng COVID-19.
“All of us healthier, perhaps younger people who have been blessed with full recovery from COVID-19—we need to go donate. It’s a fairly simple process, and you’ll be able to help so many people,” ani Zubiri.
(NIÑO ACLAN)