SA tahanan nina former Mayor Guia Guanzon Gomez at former Senator JV Ejercito namin natikman ang pinaka-masarap na luto ng Bacalao na si tita Guia mismo ang nagluto.
Noong panahon ng Kampanya ‘yun.
Long time no see na. Sa social media na lang.
Nitong nagdaang Semana Santa, sumige pa rin pala sina Tita Guia at Sir JV sa mga niluto nilang pagkain para sa frontliners sa loob at labas ng San Juan City.
Chicken Karaage mula sa mga kaibigan nila sa Ramen Nagi na sina Mr. Erickson Farillas ang inihanda ng mag-ina na nilagyan ng togue at repolyo.
At hindi na nila ito itinigil.
“We will not tire serving our Frontliners! They have to be strong and healthy!” nagkaisang pahayag ng mag-ina.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo