RS Francisco at Sam Verzosa, namahagi ng 2 trak ng bigas

DALAWANG truck na puno ng sako-sakong bigas ang hatid na tulong ng Frontrow na pinangunahan nina RS Francisco at Sam Verzosa para sa mga taga-Maynila.

Post sa FB ng isang tauhan ng Frontrow, “ Frontrow Love  Naghatid tulong po ang Frontrow Cares ng 2 truck ng bigas para sa Lungsod ng Maynila. Personal na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga donasyong bigas ”

“Sabay- sabay natin ihatid ang pag ibig para labanan ang Covid 19
Thank You Frontrow Sam Verzosa & Raymond Francisco

#FrontrowCares #FightingCovid19 #WeHealAsOne #FRONTROW”

Maaalalang sa tuwing may sakunang nangyayari sa bansa katulad ng pagputok ng bulkang Taal ay nariyan din ang Frontrow na malaki ang naitulong.

MATABIL
ni John Fontanilla