DAHIL nasa bahay lang, may oras para maghanda ang unang Grand Finalist ng Centerstage na si Rain Barquin. Sa isang video, ipinasilip niya kung ano ang mga ginagawa niya bilang pag-eensayo.
Aniya, “Ang una po ay magvo-vocalization. (Pangalawa) Ngayon po magma-mic po kami pero wala po itong sound. Ginagawa po namin ‘to araw-araw ni Papa para malaman ‘yung mga mali, kung nagfa-flat po o kaya nagsa-sharp. At saka maaayos din po ‘yung tamang paglayo ng mic at paglapit po,”
Saad ni Rain, nakaka-10 hanggang 15 kanta ang napa-practice nila sa isang araw. “Kung tutuusin nakakakanta kami ng 10 to 15 songs sa araw-araw na practice namin.”
Itinanghal na unang Grand Finalist si Rain matapos magwagi ng tatlong beses nitong nakaraang buwan.
Rated R
ni Rommel Gonzales