Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, sinagot ang panlalait ni Jay Sonza—“Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis

HINDI pinalampas ni Ogie Diaz ang panlalait sa kanya ng dating newscaster na si Jay Sonza. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ay sinagot niya ito.

 

Tweet ni Jay, “asymptomatic-you know you have the virus and accepted it.  asymptopangit-nagiging kamukha mo na sina PAB Jover at Ogie D. pero di mo pa rin matanggap.”

 

Sinagot ito ni Ogie ng,  “Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam.

 

“Pag wala pa ring nangyari, mag-suggest na lang ako sa ‘yo ng pwede mong gamiting tao, ‘yung mas sikat kesa sa akin kasi gustong-gusto kong gumwapo ka at makapwesto ka man lang, dahil awang-awa na ako sa ‘yo. Noon ka pa nagpapapansin, hanggang ngayon, waley pa rin naman.

 

“Pangit ba talaga ako? Kasi, kung yung itsura mo ang batayan ng kagwapuhan, eh okay na pong pangit ako.

 

“Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis.

Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Sa ‘yo pa talaga galing, ha? Talaga ba? Hindi nga?

 

“Bigyan kita ng chance, ha? Pwede pang mag-change ang mind mo, ha? So sa yo pa talaga galing na pangit ako? Ikaw pa talaga ang nagsabi? Sure ka na ba? Hahahaha! .”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …