ISA si Megan Young na kumatok sa puso ng mga kaibigan at kakilala para humingi ng tulong at makalikom ng PPEs at masks para sa ating magigiting na frontliners sa provincial hospitals.
Thankful si Megan sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanyang fundraising para sa mga naapektuhan ng Covid-19.
Ayon kay Megan, “Currently raising funds for batch 2! And thank you to everyone that helped for batch one! Let’s continue protecting our frontliners.”
Unang nakapaghatid ng tulong si Megan sa mga ospital sa Olongapo at Bataan na sinundan sa Limay Bataan RHU, Mariveles Mental Health Center, Lourdes, Barretto San Marcelino Medical Center, at Iba Provincial Health Center.
MATABIL
ni John Fontanilla