SA isang Instagram video, ibinahagi ng Centerstage judge na si Aicelle Santos na noon March 31 sana ay palipad na sila ng asawang si Mark Zambrano para sa kanilang honeymoon abroad. Ngunit dahil sa enhanced community quarantine dulot ng Covid-19, kanselado muna ang mga plano nila.
Aniya, “Today would’ve been our honeymoon, in a destination we longed to make more happy memories and ultimately make babies. I guess they ought to be made in the Philippines.”
Paalala ni Aicelle, magtiwala sa Diyos at magdasal upang malabanan ang takot sa hinaharap na pagsubok, “Kung nasaan man kayo ngayon, sa bahay o nasa labas na nagsisilbi sa bayan…sana’y nasa mabuti kayong kalagayan. Mahirap at nakakapangamba ang mga pangyayari at nasa balita. ‘Di maiwasan ang takot, lungkot, galit. Ayos lang iiyak, mainis. Pagkatapos, laban muli bukas. Ngiti ulit. DASAL. Kasama natin ang Panginoon, aayos din ang lahat.”
Rated R
ni Rommel Gonzales