SA isang Facebook post, emosyonal na hinikayat ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ang publiko na humanap ng inspirasyon para maibsan ang pangamba sa Covid-19.
Aniya, “Sa panahon po ngayon na lahat ay walang kasiguraduhan. Na lahat tayo ay kinakabahan at natatakot. Kada araw ay maghanap tayo ng bagay that we are thankful for na magbibigay inspirasyon sa atin na malagpasan ang crisis na ito.”
Para sa Descendants of the Sun lead actress, inspirasyon niya si Mommy Lydia at ang anak na si Alex Jazz.
“Aside from my son, isa rin po ang aking mama. Everyday that she is gone, is a day that I miss her even more. She means the world to me. I owe everything that I have now to her. She was the first one to believe in me. I am blessed to have her in my life. I love you ma!”
Rated R
ni Rommel Gonzales