UMAPELA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga lessor o nagpaparenta ng commercial establishments na huwag munang maningil ng upa sa kanilang mga nangungupahan sa gitna ng nararanasang krisis ngayon sa COVID-19.
Sa urgent appeal na inilabas ng Manila Public Information Office na pirmado ng alkalde, hiniling nito sa mga nagpapaupa sa mga pangkomersiyong establisimiyento sa lungsod ng Maynila na sarado nang isang buwan habang umiiral ang “enhanced community quarantine” huwag munang maningil ng renta at charges.
Ginawa ng alkalde ang kanyang apela bunsod ng nararanasang krisis ngayon sa Maynila.
“Buong kababaang loob at taos-puso po akong nakikiusap at umaasa sa inyong pang-unawa,” nakasaad sa urgent appeal ng alkalde.
(VV)