Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P340K shabu nasamsam sa Maynila

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang nasa P340,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek na naaresto sa buy bust operation sa Maynila nitong gabi ng Lunes.

Isang 50-anyos babae at 45-anyos lalaki ang natimbog matapos benta­han ng ilegal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer dakong  7:45 pm sa Barangay 132, Tondo, Maynila.

Narekober sa mga suspek ang walong sachet na may lamang hinihi­nalang shabu na may timbang na 50 gramo, ayon sa pulisya.

Nakadetine sa Manila Police District (MPD) custodial facility ang dalawang suspek na haharap sa kasong paglabag sa Compre­hensive Danger­ous Drug Act of 2002.

Ibinigay ang naku­hang ilegal na droga sa MPD Crime Laboratory para sumailalim sa chemical analysis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …