Thursday , June 4 2026
MASUSING sinisiyasat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Rex Andrade, Angkas Driver, na nautusang kunin sa Central Mail Exchange Center (CMEC), sa Domestic Road, Pasay City ang isang package na nasabat ng Bureau of Customs (BoC) na naglalaman ng 2,000 pirasong ecstasy may street value na P3.745 milyon nang tangkaing ipuslit ng consignee na kinilalang si Lady Marielle Terrado, residente sa isang kilalang condominium sa Taft Avenue, Malate, Maynila. (ERIC JAYSON DREW)

P4-M ecstacy nasabat ng BoC sa CMEC warehouse

NASABAT ang halos P4 milyong halaga ng ecstasy ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa CMEC warehouse sa Domestic Road sa Pasay City mula The Netherlands.

Idineklarang Gon­dolier Coffee (Arabica) mula sa nagngangalang Michael Kraats ng Tempelierhof  7  3544 Utrecht, The Netherlands.

Ayo kay PDEA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group commander Gerald Javier, napag-alaman ang laman ng parcel matapos idaan sa X-ray machine na nakasilid ang mahigit 2,000 2.203 pirasong ecstasy tablet na may street value na aabot sa P3,745,100 milyon  ang halaga.

Kamakalawa ng hapon, dakong 5:00 pm nang hulihin ang isang lalaki na napag-utusan umano na kinilalang si Rex Andrade, isang Angkas driver ng Quezon City.

Sinabi ni Andrade, inutusan siya ng con­signee na nagngangalang Lady Marielle Terrado, residente sa isang condominium sa Taft Ave., Bgy.709, Malate Maynila.

Hinintay ng mga tauhan ng PDEA ang tunay na may-ari ng parcel na nag-utos kay Andrade para kunin ang nasabing package na naglalaman ng ilegal na droga ngunit hindi lumutang.

Nakatakdang sampa­han ng kasong paglabag sa RA 9165 o Com­prehensive Dangerous Drug Act 2002 ang suspek. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …