Monday , December 23 2024
checkpoint

Chinese nat’l sumalungat sa trapik para umiwas sa checkpoint timbog

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Chinese national dahil sa pagsalungat sa trapiko para makaiwas sa checkpoint habang ipinatutupad ang  “enhanced community quarantine” sa Quezon City.

Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, nakilala ang suspek na si Jian Pang, 33, technician sa SENHHO Philippines Electrical Corp., residente sa 9th St., Rolling Hills Sub­division, Ejercito Com­pound, New Manila, Quezon City.

Sa imbestigasyon, dakong 2:15 am, 17 Marso 2020, habang abalang ipinatutupad ang checkpoint gayon­din ang thermal scanning sa San Mateo-Batasan Rd., malapit sa Shell Gasoline Station, Barangay Batasan Hills, Quezon City, para hindi maabala sa sobrang trapik ang suspek na sakay ng kanyang mina­manehong gray Ford Everest, may plakang NDK 9319, nag-counter­flow patu­ngong IBP Road.

Dahil dito, hinabol at inaresto ang suspek at dinala sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal.

Siya ay kinasuhan ng paglabag sa Art. 151, Revised Penal Code (Resistance and dis­obedience to a person in authority or the agents of such person), RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code), at RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act).

Kaugnay nito, nana­wa­gan si Montejo sa publiko para sa kanilang kooperasyon lalo na’t nahaharap ang bansa sa isang krisis.

Hiniling ni Montejo na respetohin ang check­points, igalang, at sumunod sa awtoridad sa pagpapatupad ng  “enhanced community quarantine” para sa seguridad at pro­teksiyon ng lahat.

“…report immediately to authorities any suspected case of COVID-19 through PNP hotlines such as ISEND MO SA TEAM NCRPO: GLOBE 09158888181, SMART 09999018181 and QCPD DD’S TIPLINE: 09175410621. dagdag ni Montejo.             (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *