Monday , May 20 2024

Sa loob ng anim na buwan… PH isinailalim ni Digong sa State of Calamity

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong bansa dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa Proclamation No. 929 na nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakalawa, idineklara niyang nasa state of calamity ang Filipinas sanhi ng COVID-19 sa loob ng anim na buwan na puwe­deng mapaikli depende sa magiging sitwasyon.

Dahil dito, ipinaiiral ang “enhanced com­mu­nity quarantine” sa buong Luzon mula 16 Marso hanggang 12 Abril 2020 na puwedeng mapaikli o mapalawig depende sa mga magiging kaganapan.

Inatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at local government units (LGUs) na magtulungan para maipagkaloob ang lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan upang labanan ang COVID-19.

Nakasaad sa prokla­ma­syon ang direktiba sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ilaan ang puwersa para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan at pana­tilihin ang kapayapaan sa mga pamayanan.

ni ROSE NOVENARIO

LIBRENG
SAKAY KALOOB
NG AFP
AT MMDA

NAGKALOOB ng libreng sakay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Metro Manila Development Authority (MMDA) at ibang bus companies para sa mga stranded sa kalye sa Kalakhang Maynila dahil sa umiiral na public transport ban bunsod ng “enhanced community quarantine” sa buong Luzon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, layunin ng libreng sakay na maihatid nang ligtas sa kanilang trabaho o kaya’y maiuwi ang health workers at iba pang exempted sa mass transport ban.

Nagpapasalamat aniya ang Palasyo sa bayanihan spirit na ipinaiiral ng mga Pinoy sa panahon ng krisis.

“We reiterate our appeal to our countrymen that self-discipline and self-help plus selfless community cooperation are the keys to the success of the Enhanced Com­munity Quarantine in these trying and perilous times,” aniya. (RN)

MAGBAYANIHAN
VS COVID 19

NANAWAGAN si ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran sa taong bayan na magbayanihan muna laban sa Covid 19.

Ani Taduran, kung may kailangan ang kapitbahay mag share na muna.

“I also call on everyone to activate the ‘bayanihan’ spirit in this crisis. Magtulungan tayo. Kung kapitbahay mo ang nangangailangan, mag-share ka ng kung ano ang mayroon ka,” ani Taduran.

Ang pahayag ay ginawa ni Taduran sa gitna ng “enhanced community quarantine” sa buong Luzon na pinagbawalan ang publiko na lumabas sa kanilang nga bahay.

Sa kabila nito, sinabi ni Taduran, kailangan mangako ang gobyerno na tutulong sila sa araw-araw na pangangailangan ng mga tao upang manatili sa bahay.

“If our fellowmen are assured that they will have something to eat everyday, they won’t insist on finding ways to earn a living, especially those who rely on daily earning,” ani Taduran.

“Cooperation is the key to flatten the curve as COVID-19 cases increase in the country,” dagdag ng mambabatas.

Sinabi ni Taduran, ang paglalabas sa panahon ng ganitong krisis ay maaaring maging sanhi ng pagdami ng impeksiyon sa COVID-19 kagaya ng nangyari sa Italy.

“Don’t underestimate the situation. If you look at the progression of the virus in Italy and all other countries, you can see that the infection is exponential. In a matter of days, cases have doubled. In just one day in Italy, total deaths jumped from 1,441 to 1,809 or a 25% increase,” babala ni Taduran.

Ani Taduran, kailangan buhayin ang Barangay Emergency Response Teams upang malaman kung sino ang magbebenepisyo sa tulong ng pamahalaan.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, may higit P27 bilyon ilalabas ang gobyerno para maibsan ang epekto ng COVID 19.

Higit P3 bilyon sa sektor ng kalusugan ngunit higit P24 bilyon ang para sa sektor ng turismo.

Sa panig ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat ang paglaban sa COVID-19 ang dapat unahin ng gobyerno at hindi ang turismo.

“Fighting COVID-19 should be the priority here, and it only follows that it should get the biggest allocation. We will move forward with tourism recovery after winning the fight against the virus,” ani Cabatbat.

“There also needs to be appropriated funds to ensure food security for our poor countrymen during the enhanced quarantine period. We’re proposing for a food voucher system for those whose purchasing capacity will be affected,” dagdag ni Cabatbat.

(GERRY BALDO)

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *