Monday , December 23 2024

Imbestigasyon sa POGOs iniutos ng Pangulo

WALANG plano si Pangu­long Rodrigo Duterte na magbaba ng suspensiyon sa operasyon ng offshore gaming operations sa kabila ng mga ulat na pagkaka­sangkot sa mga ilegal na aktibidad.

“If there is anything wrong with the system on POGO, then we have to review it, evaluate it, and then streamline it, improve it. All agencies involved must do their job so that any corruption, any unlawful acts can be either neutralized or completely stopped,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing kahapon sa Palasyo.

Hinihintay aniya ng Pangulo ang “comprehen­sive report” na magmu­mula sa mga inatasan niyang mga ahensiya na mag-iimbestiga sa mga isyu kaugnay sa Philip­pine Offshore Gaming Operations (POGOs).

Ani Panelo, inatasan ng Pangulo ang Bureau of Customs, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation at iba pang kaukulang ahensiya na imbestigahan ang ulat na ginagamit ang POGOs sa prostitusyon, money laundering , kidnap-for-ransom at pag-eespiya.

“Hindi ba under investigation lahat kaya nga may order siya na imbestigahan lahat ‘yan, kaya naghihintay siya ng comprehensive report,” ani Panelo.

“The President has directed the concerned agencies like the Customs, the Immigration, the NBI, all of the law enforcement agencies,” dagdag niya.

Hindi aniya dapat madaliin ang Pangulo na gumawa ng aksiyon laban sa POGO dahil wala pa siyang pagbabasehan na resulta ng imbestigasyon ng mga inatasan niyang ahensiya.

Ipinagtanggol ni Panelo ang kawalan ng aksiyon ng Pangulo laban sa POGO kompara sa suspensiyon ng Punong Ehekutibo sa lotto at STL operations noong nakara­ang taon nang matu­klasan ang mga anomalya rito.

“As far as the President is concerned, noong sinuspende niya ‘yun mayroon siyang basis. E, dito wala pa nga siyang basis e, pinag-aaralan pa nga e,” sabi ni Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *