Friday , May 3 2024

Sa sustainable dredging program… Mayor Tiangco nagpasalamat sa DENR, SMC

NAGPASALAMAT si Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa San Miguel Corp., sa pagsisimula ng sus­tenableng programa sa dredging.

“Kailangan natin ang sus­tainable dredging program para masiguro ang tagumpay na makakamit dito ay pangmatagalan at matatamasa ng mga susunod na henerasyon,” aniya sa kanyang talumpati sa opisyal na paglulunsad ng dredging ng Tullahan-Tinajeros river system.

Sinabi ng alkalde, patuloy na naiipon ang mga silt at sediment, maging ang mga basura, sa ilalim ng mga ilog at iba pang anyong tubig pero hindi ito regular na natatanggal.

“Dati, hindi laging nakapag­sasagawa ng dredging dahil sa kawalan ng pondo. Kaya natutu­wa tayo na may partnership ang DENR at ang San Miguel Corp., na nangakong magbibigay ng P1 bilyon, para sa proyektong ito,” dagdag niya.

Iniutos ni Tiangco sa mga punong barangay na mahigpit na ipatupad ang anti-littering ordinance ng lungsod.

“Mababalewala ang dredging kung hahayaan natin ang ating mga mamamayan na magtapon ng basura kung saan-saan. Ang disiplina at mahigpit na pag­papatupad ay mahalaga rin para magtagumpay tayo sa ating kampanya na linisin ang tubigan,” diin niya.

Ang dredging ng 36.4-kilometrong Tullahan-Tinajeros river system ay bahagi ng kampanya na linisin at ayusin ang marine ecosystem ng Manila Bay. Ang river system na ito ay mula sa La Mesa Dam sa Quezon City hanggang sa Centennial Park ng Navotas.

Ang SMC ang magsasa­gawa ng proyekto katuwang ang DENR. Parehong pinangunahan nina SMC President and Chief Operating Officer, Ramon Ang, at DENR Secretary Roy Cimatu ang paglulunsad ng dredging activities.

Bukod kay Tiangco, kabilang sa mga opisyal na dumalo sina Vice Mayor Clint Geronimo, mga konsehal at department heads, at mga punong barangay.

Dumalo rin sina Malabon City Mayor Antolin Oreta III; Bulacan Governor Daniel R. Fernando; 2nd at 3rd District of Bulacan representatives, Gavini Pancho at Lorna Silverio; Meycauyan at Obando mayors Linabelle Ruth Villarica at Edwin Santos.

Kabilang sa mga opisyal na sumaksi sina Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Gen. Danilo Lim; Department of the Interior and Local Government Under­secretary for Operations, Epimaco Densing III; Department of Public Works and Highways Assistant Secretary Antonio Molano Jr.; at DENR Undersecretaries Rodolfo C. Garcia, Atty. Jonas Leones, Analiza Rebuelta-Teh, at Juan Miguel Cuna. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Krystall herbal oil Fur-baby Dog

Fur-baby hiyang din sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *