Friday , May 17 2024
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage

Carlo Aquino, wish maibalik ang friendship nila ni Angelica

WORK is work. Wala akong karapatang pigilan kung gusto siyang kunin ni achie (Rhei Anicoche-Tan, presidente/CEO ng Beautederm) para maging ambassador din.” Ito ang nilinaw ni Carlo Aquino kahapon matapos opisyal na ilunsad ang bagong line of products ng Beautederm na tinawag na Spruce & Dash ukol kay Angelica Panganiban.

Okey din kay Carlo at walang problema sa kanya kung magkatrabaho sila ni Angelica.

Civil lang din sila ni Carlo kapag nagkikita sa mga showbiz event at nag-hi & hello rin sila.

Sinabi pa ni Carlo na hindi siya nao-awkward o may sama ng loob sa aktres dahil matagal na rin naman silang magkakilala at magkaibigan.

Hindi naman ikinaila ni Carlo na gusto niyang maibalik ang friendship nila ni Angelica. “Oo naman kasi sayang eh. Totoong tao naman din naman si Angge. Kahit ‘yung friendship man lang.

“At sana maibalik talaga,” giit ni Carlo.

Hindi pa alam ni Carlo kung magiging okey na magsama sila ni Angelica sa pelikula. “Baka kasi magkaroon ng violent reactions. Pero feeling ko okey naman, hindi lang sa ngayon,” paliwanag pa ni Carlo.

MENSAHE SA MGA BASHER
— ‘DI IMPORTANTE
ANG SASABIHIN NILA

Samantala, 3 years and two months na pala ang relasyon ni Carlo sa kanyang GF na si TrinCandaza pero hindi pa alam ng aktor kung kailan sila magpapakasal.

Aniya, “wala akong age na naiisip na mag-aasawa na. I think nasa pakiramdam ‘yun ng tao eh. Wala namang tamang edad. Unless nasa tamang tao at tamang pakiramdam.”

At nasabi niyang tamang tao ang kanyang GF, hindi pa lamang ito ang tamang panahon para magpakasal sila. Pero posibleng anytime ay makapag-asawa na rin o makapagpakasal na siya.

And if ever magpakasal na siya, naiisip niya ang isang mountain top wedding. “Simple lang kasi ako ayoko ng magarbo,” sambit pa ng aktor.

Nasisiyahan naman si Carlo na finally ay nailalabas o nai-expose na niya ang kanyang GF sa publiko. “Masarap sa pakiramdam kasi nailalabas mo ‘yung taong mahal mo.”

Deadma na lang naman siya sa mga basher na walang sawang namba-bash sa kanila.

Hindi kasi importante ‘yung sasabihin ng ibang tao tungkol sa amin. Ang importante mahal namin ang isa’t isa at masaya kami,” pagtatapos na ni Carlo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *