Thursday , June 4 2026
INIHARAP sa media ni PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia, ang nadakip na si Rodolfo Salas, alyas Kumander Bilog, 72 anyos, residente sa Doña Carmen St., Mountain View, Balibago, Angeles City ng pinagsanib na puwersa ng Special Concern Unit (SCU) - Regional Intelligence Unit, 301st Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion 3, at Angeles City Police sa pangunguna ni P/Lt. Col. Renante Pinuela. (RAUL SUSCANO)

Kumander Bilog, humarap sa korte

HUMARAP sa sala ni Judge Judge Thelma Bunyi ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 ang dating lider ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army (CPP-NPA) mata­pos maaresto sa   Pampanga.

Si Rodolfo Salas, 72, kilala bilang Kumander Bilog ay naaresto sa kan­yang bahay sa Balibago, Angeles City, Pampanga at humarap sa korte upang harapin ang kanyang kaso na may kaugnayan sa Inopacan, Leyte massacre.

Inilinaw ng anak ni Bilog na si Jody Salas, hindi nagtatago ang kanyang ama katunayan ay matagal na siyang nakatira sa Pampanga at nagtayo ng kooperatiba.

Kasama ng PNP ang barangay officials nang isilbi ang warrant of arrest at naging payapa ang pagsama ni Salas sa mga operatiba.

Nabatid, inilipat sa Maynila ang kaso ni Salas upang mapadali ang pagdinig kung saan nagtakda ng arraignment ang korte.

Ayon sa korte, sa 28 Pebrero 2020 ang itinak­dang arraignment laban kay Kumander Bilog.

(VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …