Thursday , December 19 2024

10K barangay officials, bubulabugin ni Isko

BUBULABUGIN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 10,000 barangay officials sa Maynila upang makiisa sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa paglilinis at pagsasaayos ng Lungsod.

“Balewala ang pagliling­kod nang tapat at sigasig ng gobyerno kapag ang tao, ‘di nag-participate… impor­tante na tulungan ninyo ang city government hindi para sa atin kundi para sa mga susunod na henerasyon. ‘Di man natin maramdaman agad ang epekto, hayaan nating tamasahin ng ating mga anak,” pahayag ni Moreno sa pagkakaloob ng financial assistance sa barangay officials mula sa Office of the President.

Ayon kay Mayor Isko, walang masama kung mag­pa­kumbaba at kausapin ang mga tolongges, ‘mema,’ walang pakialam, at makukulit na nagkakalat sa paligid.

Maaaring makisuyo sa mga pasaway na residente na ilagay sa tamang sisidlan ang kanilang kalat o basura at kukunin ng pamahalaan.

Sinabi ni Isko, masu­wer­te ang mga opisyal ng barangay dahil nagka­roon sila ng oportunidad na makapagsilbi patikular sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

“Many are called but few are chosen. Let us institute the changes not for us but for the next generation, particularly our loved ones, so they will have a better Manila. In the meantime, we have a mandate, a chance to change our beloved city,” idinagdag ni Moreno.

Karagdagang panawa­gan ni Moreno sa mga opisyal ng barangay na nawa’y magsimula sa simpleng bagay.

“Magsimula tayo sa simple. Gawing malinis, maaliwalas at panatag ang Maynila. Tatamaan tayo ng konting sakripisyo, may babaguhin sa dating gina­gawa. Hindi porke ang isang gawain ay nakagisnan na, e tama na. Walang masa­mang sumubok ng kakaibang bagay,” ayon kay Moreno.

Mas makabubuti na maging ehemplo sa kanilang mga komunidad ang mis­mong mga barangay chair­man. (BRIAN BILASANO)

 

 

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *